Thursday, January 28, 2016

huling sulat.

okay na ko eh... okay na eh hindi na kita naiisip, hindi ko na tinitignan instagram mo pero message ka pa rin ng message so ako naman tatanga tanga akala ko may nagbago tinignan ko yung profile mo.

wow, nagcamping pala kayo. ang saya naman. kitang kita ko sa muka mo yung saya. the way you talk and post about him just like how you talk about ne before. masya ka na nga. masaya ka na pero bakit ginugulo mo pa ko? so eto iiyak nanaman ako nararamdaman ko nanaman yung puso ko na sinusuntok sa loob ng dibdib ko.

grabe, ang bilis mo naman akong napalitan.

so sige bangon uli pilitin uli sarili na maging okay. lumipas ang isang linggo okay na hindi nanaman kita naiisip TAPOS NAGMESSAGE KA NANAMAN kesyo sino tong nagfofollow sakin sinong picture tong nilike ko, tanginang buhay naman to oh. ang daya daya mo naman eh. umalis ka na diba? ano pa bang gusto mo?

so kagabe nasa gimikan ako hindi ko napigilang magreply kasi lasing na ko eh

"kapal mo namang sabihan ako ng kung anu ano samatalang ikaw may bago."

ang haba ng usapan pero alam mo, tama ka eh, i took you for granted. masyado kong nagstick sa space natin. pero tangina naman kahit ganon bumalik naman ako eh, ang sakit sakit kasi ikaw na yung gusto kong makasama eh, ang sakit kasi nakikita kita na masayang masaya na dapat ako yung kasama mo e.

tanginang buhay naman to oh. bakit ka sumuko? bakit mo ko iniwan? akala ko ba kakayanin natin pareho? hindi ko ba deserve ng kahit last chance para sabihin na "ako yung mahal mo diba?"

pambihira naman.

sana hindi ko na lang nararamdaman tong shit sa puso ko.

buti ka pa masaya ka na.

sobrang sakit kapag naiwanan, kapag ikaw na lang yung naiwang mag isa.

ayoko na ang sakit sakit na masyado.

***

Lord, lahat ng friends ko ayaw na makinig sakin. ang hirap magisa dito sa abroad, please kunin mo na yung sakit, hindi ko na kaya po.

1 comment:

CHRISTIAN said...

take care of yourself, Elay.